English | French / Français | Filipino | Spanish / Español
16 Years of protecting privacy
Posted 20th December 2013 by Sam Tuke
Thanks to 'FilipinoLawyer' for this translation.
Noong Disyembre 20, 2013 ay ika-16 taon mula ng unang labas ng GNU Privacy Guard (GnuPG). Sa loob ng mga panahong ito, ang proyekto ay lumago mula sa pagiging isang libangan ng mga hacker tungo sa isa sa mga pinakakritikal na gamit sa buong mundo laban sa pagmamatyag o surveillance. Ngayon ang GnuPG ay isa sa mga nasa harapan ng pagtatanggol ng kalayaang sibil at karapatan laban sa mapanalakay na pagmamatyag.
Ayon kay Werner Koch, nagtatag at Lead Developer ng GnuPG: “Time has proven Free Software to be the most trustworthy defender against companies and governments seeking to undermine citizen privacy”. Aniya: “Although funding our work has not always been easy, the need for universally accessible privacy tools has never been more apparent”.
"Sa maraming panahon, napatunayan na ang Free Software ang pinaka-mapagkakatiwalaang tagapagtanggol laban sa mga kumpanya at mga pamahalaan na naglalayong pahinain ang pribisiya o privacy ng mamamayan" at "Kahit na ang pagpopondo ng aming trabaho ay hindi palaging madali, ang pangkalahatang pangangailangan para makukuha ng gamit para sa pribisiya o privacy tool ay naging mas maliwanag".
Ang ilan sa mga nangungunang espesyalista sa seguridad ay gumagamit ng GnuPG kabilang sina Bruce Schneier, Jacob Appelbaum, at Phil Zimmerman, imbentor ng PGP. Noong mga nakalipas na buwan ng taong ito, nalaman ng buong mundo ang lawak ng pagmamatyag o pagiispiya ng mga gobyerno at dapat na pasalamatan ang mga whistleblowers at mamamahayag na nagbunyag nito gamit ang GnuPG-encrypted email sa kanilang paguusap. Ang mga pangunahing IT server na Red Hat at Debian ay gumagamit din ng GnuPG at inilagay ang kanilang reputasyon para sa seguridad sa pamamagitan ng mga GnuPG-verified software.
Ayon kay Sam Tuke, GnuPG Campaign Manager: “The success of GnuPG's first crowdfunding campaign, which received 90% of it's target in 24 hours, shows a fresh willingness among users to support GnuPG in it's 16th year, and points to new opportunities for the project in future”. Aniya: “The release of GnuPG 2.1 and the launch of a newly designed website later this year will bring GnuPG and its clients for Windows, Mac, Gnu/Linux, and Android to new audiences”.
"Ang tagumpay ng unang kampanya ng GnuPG para makalikom ng donasyon sa publiko o crowdfunding, na nakatanggap ng 90% ng target na donasyon sa loob lamang ng 24 oras, ay nagpapakita ng isang sariwang pagpayag ng mga gumagamit ng GnuPG upang suportahan ang GnuPG sa ika-16 na taon nito, patungo sa mga bagong oportunidad para sa proyekto sa hinaharap" at "Ang paglabas ng GnuPG 2.1 at ang paglulunsad ng isang bagong dinisenyong website sa susunod na parte ng taong ito ay makakatulong sa pagbahagi ng GnuPG at mga proyekto nito sa Windows, Mac, GNU / Linux, at Android sa mga bagong madla".
Sa paglipas ng mga taon ang GnuPG ay pinananatiling ito ay gumagamit ng mga napapanahon at bagong algorithm, katulad ng Elliptic Curve Cryptography, at tumutugon sa mga bagong pagbabanta sa tulong ng at koordinasyon sa mga developer. Ang mga miyembro at gumagamit ng GnuPG ay nananatiling tiwala sa kinabukasan ng GnuPG at inaasahang ang paglaban sa mga maaaring banta sa pribisiya sa hinaharap ay may suporta mula sa komunidad.